"Kung mayaman ka, meron kang ""allergy"", kung sa mahirap ka, ang tawag dyan ay ""galis"" o ""bakokang"" sa mahirap, ""sira ulo"" sa mayaman, ""nervous breakdown"" dahil sa ""tension and stress"". sa mayaman ang ""malikot ang kamay"" ang tawag ay ""kleptomaniac"", sa mahirap, ang tawag dito ay ""magnanakaw"". pag mayaman ka, you're ""eccentric"", kung mahirap ka, ""may toyo ka sa ulo"". kung mahirap ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay ""nalipasan ng gutom"", kung mayaman ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may ""migraine"". kung mahirap ka, ikaw ay ""kuba"", pero kung mayaman ka, you are refferred to as someone who is ""scoliotic"". kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay ""ita"" o ""negrita"" o ""baluga"", pero ang seorita mo kahit kasingkulay mo, ang tawag ay ""morena"" o ""kayumanggi"". kung nasa high society ka, you are approvingly called ""slender"" or ""balingkinitan"", kung mahirap ka lang, you are plainly called ""payatot"" o ""patpatin"" o ""ting-ting"". kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay ""petite"", kung mahirap k lang, ikaw ay ""pandak"" o ""bansot"" o ""unano"". ""malandi"" ka kung isa kang dukhang alembong, pero kung mayaman kayo an tawag sa iyo ay ""liberated"". ang mahirap na tumatanda ay ""gumugurang"", sa mayamang tumatanda, the description is ""he or she graduates gracefully into senior citizenhood"". ang anak ng mayaman ay ""slow learner"", ang equivalent na anak ng mahirap ay ""bobo"" o ""gung-gong"". kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says ""masarap kang kumain, ang i like you, you do justice to my cooking"", kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host say to himself or herself na ikaw ay ""patay-gutom o ""hampaslupa""."
Coming soon to: iPhone, iPad, itunes appstore, Amazon AppStore