nakatanggap si mister ng text mula sa kapitbahay nilang kumpare din niya: MESSAGE FROM KUMPARE: "pare pasensya ka na. sorry talaga. matagal ko nang tinatago sa'yo 'to, pero nagi-guilty na kasi ako kaya aaminin ko na. alam mo naman kasi na nasa ibang bansa ang misis ko at madalas akong bored. kaya kinahihiya ko man ay sasabihin ko na sa iyo na dalawang buwan nakong kumakabit sa wife mo. medyo hindi ko kasi natiis dahil magkatabi lang ang bahay natin, hindi ko na kailangang lumayo pa. sana matanggap mo ang sorry kong ito." ...lumakad si mister papunta sa kwarto nilang mag-asawa. kinuha ang baril at binaril sa ulo si misis. itinapat ang baril sa ulo at ipuputok na sana nang may biglang nag-text. pinulot ang phone at nakita niyang ito ay galing sa kumpare niya. kaya binasa niya muna... MESSAGE FROM KUMPARE: "bwisit na autocorrect yan... WIFI ang ibig kong sabihin pare at hindi WIFE... haha" . . . LESSON: ingatan ang spelling sa text
Coming soon to: iPhone, iPad, itunes appstore, Amazon AppStore