Ganito magbigay ng masamang balita. Kumiriring ang telepono ng madaling araw.... "Hello Master Carlos, Si Arnaldo po ito yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo." "O Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka?. May problema ba? "Um napatawag ako para abisuhan ko kayo na namatay ang alaga niyong parrot." "Yung parrot kung si pikoy, patay?, Yung nanalo sa bird show? "Opo Master Carlos, yun nga po". "Putres, sayang! Ang laki pa naman ang nagastos ko sa ibong yun. Hay buhay! Teka anu ba ang ikinamatay niya? "Eh kumain po kasi ng bulok na karne..." "Bulok na karne?..at sino naman ang salbaheng tao ang nagpakain ng bulok na karne?" "Wala po, nanginain po siya ng bulok na karne ng isang patay na kabayo" "Patay na kabayo? Anung patay na kabayo Mr. Arnaldo?" "E, yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.Namatay po kasi sila lahat sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig." "Nasisiraan kana ba ng bait? Anung kariton ng tubbbiiigggg?" " Yun pong pinapatay namin sa sunog." "Dios ko po! anu na namang sunog yang sinasabi mo?" "Yun pong halos tumupok sa bahay niyo, Tumumba po yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis kumalat ang apoy..." "Anu?..Puutt..E may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan a para san yung kandila? "Para sa burol po." "Anu? kaninung burol?" "Sa nanay niyo po, Sir. Bigla kasi siyang dumating dito nungisang gabi, walang kaabiso -biso. Lampas hating gabi na. Akala ko po magnanakaw. Yun nabaril ko!!! hahahaha bang!!!!!
Coming soon to: iPhone, iPad, itunes appstore, Amazon AppStore