Tagalog Jokes - Android App

Tagalog Jokes - Android App

Nag-aaway

May mag-asawa na laging nag-aaway. Mula almusal hanggang panghapunan puro sila bangayan kaya pinayuhan sila ng kanilang kapitbahay na subukan nilang dumalo sa misa baka sakaling makatulong anya sa kanila. Dahil ayaw nilang magsama sa pagpunta ng simbahan, napagkasunduan nila na maunang pupunta si mister. Sa susunod na araw naman si misis.
Una ng dumalo si mister. Pag-uwi sa bahay, agad niyang hinanap si misis sabay yakap ng mahigpit at buhat sa kanya na pinagtaka naman ng babae...
MRS: Aba, mukhang okey nga yung pinayo sa aten. Bakit mo naman naisipang buhatin ako? Sweet mo naman!
MR:Wala naman, dear. Nabanggit lang kasi ng pari ang tungkol sa krus. Ito daw ay parang problema naten sa buhay. Kelangan daw na YAKAPIN namen at BUHATIN ang aming krus...
The next day, si misis naman ang nakimisa. Pagdating niya galing simbahan sinabi niya sa asawa na kailangan niya itong isama sa susunod na pagbisita sa simbahan.
MR: Bakit naman? Di mo kaya na wala ako sa tabi mo noh?
MRS: Inde! Sabi kasi ng pari ay kelangan naming tumulong sa mga biktima ng bagyo. Magdala daw ng mga gamit sa bahay na wala ng pakinabang"
Tagalog Joke #301




Disqus comments plugin...
Facebook comments plugin...

Install now

Download our Android app via Google Play
or use the QR Code below


Coming soon to: iPhone, iPad, itunes appstore, Amazon AppStore


Try our Tagalog games / apps
  • Pinoy Bugtong

Try our other Android apps